you aRe my sweetest escapE..

Posted by viaNneycLare on Jan 29, '08 2:45 AM for everyone
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas
kapag nasa America ka...

Akala nila madami ka ng pera. Ang
totoo, madami kang utang, dahil
credit card lahat ang gamit mo sa
pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan
mo gumamit ng credit card para magka-
credit history ka, kase pag hindi ka
umutang o wala kang utang, hindi ka
pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala
kang credit card, ibig sabihin wala
kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may
kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi
ka bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim
ng init ng araw o kaya sa snow. Walang
jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa
America. Ang totoo, puro ka trabaho
kase pag di ka nagtrabaho, wala kang
pang bayad ng bills mo kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay
at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay
sa kapitbahay kse busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills
nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala
ka ng picture mo sa Disney, Seaworld,
Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan
mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+
para makarating ka dun, kailangan mo
namnamin ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa tiket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo
kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,
malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America.
Ibig sabihin ang dolyar mong kinita
sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas
$1.00 sa America, ang isang pakete ng
sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $5.00, ang upa mo sa bahay
na P10,000 sa pilipinas, sa America
$1,000.

Akala nila buhay milyonaryo ka na
kase ang ganda ng bahay at kotse mo.
Ang totoo milyon ang utang mo.
Ang bago mong kotse 5 taon mong
huhulugan.
Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig
sa
bihin, alipin ka ng bahay at kotse
mo.

Madaming naghahangad na makarating sa
America. Lalo na mga nurses, mahirap
maging normal na manggagawa sa
Pilipinas. Madalas pagod ka sa
trabaho. Pag dating ng sweldo mo,
kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng
America.

Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan
mo ding magbanat ng buto para
magsurvive ka sa ibang bansa. Isang
malaking sakripisyo ang pag alis mo sa
bansang pinagsilangan at malungkot
iwanan ang mga mahal mo sa buhay.
Hindi pinupulot ang pera sa america.

Hindi sa paninira ng pangarap,
gusto ko lang buksan ang bintana ng
katotohanan.

n3tsk13 wrote on Jan 29
true naman.inde lang sa America yung ganyan. lahat ng tao sa pinas akala kafag asa ibang bansa ka mayaman ka na talaga. di sila naniniwala na itlog lang kinakain mo LOL ganun na siguro pananaw ng mga pinoy.. pero siguro kaya mas madami gusto umalis ng bansa kasi mas malaki yung sweldo at opportunity sa ibang bansa kung icocompare mo sa pinas.
viangviang00 wrote on Jan 30
uU nga...gaNyan na tLaga and kdalasan na perceptioN ng mga piNoy kong may naNgiNgabanG bansa!..
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help